Simpleng tao lang ako, na may mga simpleng pangarap...
Kung gaano kapayak ang aking pananamit,
Ganun din ang mga pangarap ko...
Pero unti-unting nababago ang panahon,
Hindi uubra ang kapayakan ng mga pangarap ko.
Kinakailangan kong bumuo ng isang pangarap
Na hindi lamang ang sarili ko ang iisipin
Kundi ang mga nasasangkot na mahal ko...
Makulit ako, lalo na kapag kumportable ako sa taong aking kausap
Mas makulit ako, kapag hindi ko kaharap ang isang tao, gaya ng pakikipag-usap sa pamamagitan ng chat
Pero madalas, nangingibabaw ang kahinaan ko ng loob
At mananahimik na lang... lalo na at kaharap ko na ang isang tao...
Masyadong magulo ang takbo ng utak ko...
Pero isa lang tiyak, mababaw ang kaligayahan ko...
Sa simpleng joke, tatawa na ako...
Isa lang naman ang panuntunan ko sa buhay...
Mahirap na nga, sisimangutan ko pa,
Di mainam pang tumawa, ipakitang masaya
Eh ano ba kung sa puso ko ako'y lumuluha
Ang mahalaga napapasaya ko sila...
No comments:
Post a Comment